Maikling Talambuhay ni Boy Abunda
Mahahalagang Impormasyon
Tunay na Pangalan –> Eugenio Romerica Abunda Jr.
Palayaw –> Boy, Tito Boy
Petsa ng Kapanganakan –> October 29, 1955
Lugar ng Kapanganakan –> Borongan, Samar
Taas (Height) –>
Kolehiyo –> Ateneo de Manila University
Kurso –> Business Management (hindi natapos)
Kolehiyo –> Philippine Women’s University (Bachelor of Arts in Communication Arts)
Master –> Philippine Women’s University (Communication Arts )
PhD –> Philippine Women’s University (Social Development)

Si Boy Abunda ay isang Pilipinong tanyag na TV host, actor, endorser, at publicist. Siya ang tinaguriang “King of Talk Show” ng Pilipinas. Pero bago niya marating ang rurok ng tagumpay, si Tito Boy ay lumaki sa hirap. Siya ay ipinanganak sa Borongan, Eastern Samar noong ika-29 ng Oktubre, 1955. Ang kanyang tatay ay isang konduktor ng bus at ang kanyang nanay ay isang guro. Mayroon siyang Ate, si Maria Fe, na naging mayor ng Borongan at ngayon ay isang kongresista.
Pumasok si Boy Abunda sa seminaryo pero umalis din. Bata pa lang siya ay alam na niya na siya ay bakla pero suporta pa rin sa kanya ang kanyang mga magulang. Lumuwas siya sa Maynila at nag-enrol sa Pamantasan ng Ateneo de Manila pero kailangan niyang huminto sa pag-aaral dahil pumanaw na ang kanyang tatay. Naging pagala-gala siya sa Luneta at Ermita at kung anu-ano na lang tranaho ang kanyang napasukan.
Mapalad pa rin si Boy Abunda dahil nakuha siya bilang actor sa Metropolitan Theater sa Maynila. Dahil sa pagpupursige, siya ay naging assistant stage manager. Naging malapit siya kay Conchita “Tita Conching” Sunico, ang administrator ng treatro na nagturo sa kanya ng iba’t ibang larangan ng showbiz tulad ng public relations. Hindi nagtagal ay itinayo ni Boy Abuna ang kanyang sariling negosyo, ang Backroom, Inc. kung saan naging talent manager siya. Siya rin ang nagtayo ng Asian Artists Agency.
Nakapasok si Boy Abunda bilang public relations officer ng GMA network. Sa edad na 39 ay binigyan siya ng pagkakataon na maging host sa telebisyon sa programang Show and Tell noong 1994. Dito na nag-umpisang makilala ang kanyang talento sa pagho-host. Pagkatapos ng isang taon, ito ay pinalitan ang Startalk at naging co-host niya si Kris Aquino at Lolit Solis. Noong 1999, lumipat siya sa ABS-CBN at naging host siya ng The Buzz. Tumagal ang programang ito hanggang 2015.
Maraming pang naging programang pangtelebisyon si Boy Abunda bukod sa hosting. Nag-artista din siya at naging huwes (judge) sa ilang contest sa telebisyon. Ilan sa mga pelikula niya ay ang Naglalayag, Volta, Scaregiver, Noy, Boy Pick-Up: The Movie, at The Girl in the Orange Dress.
Si Tito Boy ay may kinakasama sa bahay na ang pangalan ay si Elmer “Bong” Quintana na kanyang nobyo mula pa noong 1983. Nagsulat siya ng kanyang libro noong 2017 na may pamagat na “It’s Like This” kung saan niya inilathala ang kanyang mga karanasan at mga aral na kanyang natutunan sa buhay. Part-time professor siya Philippine Women’s University.
Sa pagpasok ng taong 2023, si Boy Abunda ay napapanood sa GMA network sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda.
Basahin: Talambuhay ni Manny Pacquiao
