Maikling Talambuhay ni Manny Pacquiao
Si Manny Paquiao ay isang Pilipinong boksingero, politiko, mang-aawit, aktor, modelo, at basketbolista. Siya ay kasalukuyang naglilingkod sa pamahalaan bilang senador ng bansa.
Mula sa bibig ni Manny: “Marami sa inyo ang nakakakilala sa akin bilang napakahusay na boksingero at ipinagyayabang ko iyon. Ngunit ang pinagdaanan ko ay hindi madali. Noong bata ako, naging boksingero ako dahil kailangan kong mabuhay. Walang-wala ako. Walang akong maaasahan kundi sarili ko. Naisip ko na magaling ako sa boksing at nag-ensayo ako nang sobra-sobra para mabuhay ako kasama ang aking pamilya.”
(From his own mouth: “Many of you know me as a legendary boxer, and I’m proud of that. However, that journey was not always easy. When I was younger, I became a fighter because I had to survive. I had nothing. I had no one to depend on except myself. I realized that boxing was something I was good at, and I trained hard so that I could keep myself and my family alive.” (Poverty gave Pacquiao his big push. China Daily. August 15, 2017.))

Mahahalagang Impormasyon
Buong Pangalan –> Emmanuel Dapidran Pacquiao Sr.
Palayaw –> Manny, Pacman
Petsa ng Kapanganakan –> Disyembre 17, 1978 (Edad: 42)
Lugar ng Kapanganakan –> Kibawe, Bukidnon, Pilipinas
Lugar kung Saan Lumaki –> Lungsod ng General Santos, Timog Kotabato
Opisyal na Tirahang Lugar (Residence) –> Kiamba, Sarangani (Pinanggalingan ng kanyang asawa)
Taas (Height) –> 5 ft 6 in (168 cm)
Relihiyon –> Protestante (Dati siyang Katoliko)
Yaman (Net Worth) –> 3.1 billion (ayon sa ulat ng SALN, ika-31 ng Disyembre, 2020)
Pamilya
Asawa –> Jinkee Jamora (ikinasal noon 1999)
Mga Anak –> Emmanuel “Jimuel” Pacquaio Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel
Tatay –> Rosalio Pacquiao
Nanay –> Dionisia Dapidran-Pacquiao
Mga Kapatid –> 6 (pang-apat si Manny) Kasama sina Alberto Pacquiao at Rogelio Pacquiao na pawang mga Kongresista
* Sa edad na 12, naghiwalay ang nanay at tatay ni Manny. Sobrang hirap ang dinanas ni Manny noong bata pa siya. Kailangan niyang kumayod ng husto para may makain at makatulong sa kanyang mga kapatid. Pagdating niya sa Maynila sa edad na 15, tumira si Manny sa kalsada at kung saan-saan. Nagtrabaho siya sa construction bilang manggagawa na ang suweldo ay arawan. Nagtrabaho din siya sa bakery. Sa kabila ng lahat, hindi niya nakalimutang mag-ensayo sa boksing.
Pag-aaral
Elementarya –> Paaralang Elementarya ng Saavedra Saway
Mataas na Paaralan –> (hindi nag-aral subalit pumasa sa high school equivalency exam ng Kagawaran ng Edukasyon (DEPEd))
Kolehiyo –> Notre Dame of Dadiangas University, University of Makati, Philippine Christian University
Kurso –> (Hindi pa tukoy)
Paglilingkod sa Pamahalaan (Government Service)
2020-ngayon – Pangulo, Partido PDP-Laban
2016-ngayon – Senador
2010-2016 – Kongresista, Lalawigan ng Sarangani
2007 – tumakbong kongresista bilang kandidato ng Partido Liberal sa unang distrito ng South Cotabato ngunit siya ay tinalo ni Darlene Antonino-Custodio
Pagtakbo Para Maging Pangulo ng Pilipinas
Noong ika-1 ng Oktubre taong 2021, si Manny Pacquaio ay naghain ng kanyang kandidatura sa Pagkapangulo sa ilaim ng Partido PROMDI (Probinsiya Muna Development Initiative). Si Kongresista Lito Atienza ang kanyang kandidato sa pangalawang pangulo.
Buhay Boksingero
Nag-umpisang matuto si Manny sa larangan ng boksing sa edad na 12 sa tulong ng kanyang Tito Sardo Mejia. Sa kanilang lugar sa Timog Mindanao, naging tanyag na siyang boksingero at sa edad na 15, lumipat siya sa Maynila. Pagsapit sa edad na 16, naging propesyonal na siyang boksingero.
Ilan sa mga tinalo niyang tanyag na boksingero ay sina Chatchai Sasakul, Lehlohonolo Ledwaba, Jorge Eliécer Julio, Marco Antonio Barrera (2 beses), Érik Morales (2 beses), Óscar Larios, Jorge Solís, Juan Manuel Márquez (dalawang beses), David Díaz, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Miguel Cotto, Joshua Clottey, Antonio Margarito, Shane Mosley, Brandon Ríos, Timothy Bradley (dalawang beses), Chris Algieri, Jessie Vargas, Lucas Matthysse, Adrien Broner at Keith Thurman.
Ayon kay Bert Sugar na isang tanyag na manunulat ng kasaysayan ng boksing, si Manny Pacquaio ay pinakamagaling na boksingero sa lahat ng panahon. Bilang propesyonal na boksingero, si Manny ay lumaban sa 71 na laban. Sa ngayon, siya ay may boxing record na 62 na panalo at dito 39 ang panalo niya sa Knock-out. Mayroon siyang 7 pagkatalo at 2 naman ang patas (draw).
Noong ika-21 ng Agosto 2021, naglaban sina Manny Pacquiao at Yordenis Ugas ng Cuba. Natalo si Manny at ayon sa kaniya, maaaring ito ang huli niyang laban.
Buhay Artista
Dahil sa pagiging tanyag na boksingero, si Manny ay madalas imbitahin sa mga radyo at telebisyon upang ma-interview. Taong 2005, unang lumabas si Manny sa pelikulang Lisensyadong Kamao (Licensed Fist). Ito ay sinundan ng Anak ng Kumander (Child of a Commander) at Wapakman na naging parte ng 2009 Metro Manila Film Festival.
Naging kapuso Star si Manny noong 2007. Lumabas siya sa mga programang GMA tulad ng Pinoy Records, Show Me Da Manny, at Manny Many Prizes.
Buhay Mang-aawit
Si Manny Pacquiao ay nakapaglabas na ng tatlong albums: Laban Nating Lahat Ito (2006), Pac-Man Punch (2007) at Lalaban Ako Para Sa Pilipino (2015). Ilan sa mga naging tanyag na awit niya ay ang Para Sa’yo ang Laban Na ‘To (This Fight Is for You), Sometimes When We Touch, Lalaban Ako Para Sa Pilipino (I Will Fight for the Filipinos) at Laban Nating Lahat Ito kasama si Francis M.
Basahin din: Talambuhay ni Emilio Aguinaldo
Tingnan din: Listahan ng mga kilalang Pilipinong Boksingero
Tingnan din: Listahan ng mga naging Senador ng Pilipinas
yun na nga yun, sana inantay nlng nya na i push sya ni tatay digong para hindi sumama loob ng ibang kababyanan na umaasa sa kanya na pang masa sya dahil alam nya ang buhay mahirap. advance agad sya for 2022 election. madami pang mang yayari.