Emilio Aguinaldo Biography (Summary, Tagalog)

Si Emilio Aguinaldo ay isang Pilipinong politiko at rebolusyonaryo. Siya ay nanungkulan bilang unang pangulo ng Pilipinas (1898 – 1901) and kinikilala bilang kauna-unahang pangulo ng konstitusyonal na republika sa Asya.

Mahahalagang Impormasyon
Buong Pangalan –> Emilio Aguinaldo y Famy
Petsa ng Kapanganakan –> ika-22 ng Marso, 1869
Lugar ng Kapanganakan –> Kawit, Cavite, Pilipinas
Petsa ng Kamatayan –> Ika-6 ng Pebrero, 1964 (Edad: 94)
* Unang naging pangulo sa edad na 28 noon ika-22 ng Marso, 1897
Asawa –> Hilaria del Rosario, María Agoncillo
Anak –> (5) Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio “Jun” R. Aguinaldo Jr., Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Suntay, at Miguel Aguinaldo

Ipinanganak si pangulong Aguinaldo sa bayan ng Kawit (dating Cavite el Viejo), lalawigan ng Cavite noong Marso 22, 1869. Napangasawa niya si Hilaria del Rosario noong taong 1896 subalit ito ay pumanaw noong 1921. Si María Agoncillo ang naging pangalawang kabiyak niya mula 1930 hanggang sa ito ay mamatay noong 1963. May limang (5) anak si Pangulong Aguinaldo na sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio “Jun” R. Aguinaldo Jr., Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Suntay, at Miguel Aguinaldo. Kabilang sa mga apo niya sa kasalukuyan sina kongresista Francis Gerald “Blueboy” Aguinaldo Abaya at ang dating kalihim ng transportasyon at kommunikasyon na si Joseph Emilio “Jun” Aguinaldo Abaya.

Sa edad na dalawamput-lima (25), si Aguinaldo ay hinirang bilang kauna-unahang “gobernadorcillo capitan municipal” ng Cavite el Viejo. Noong 1895, sumama siya sa lihim na organisasyong Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga anak ng Bayan o KKK na itinatag ni Andres Bonifacio.

Taong 1896 nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Kastilang namumuno sa Pilipinas. Pinamunuan ni Aguinaldo ang puwersa ng mga kawal Pilipino sa Cavite. Maraming katagumpayan ang natamo ng mga Pilipinong sundalo sa cavite kung kaya’t nagningning ang kanyang pangalan.

Itinatag ang Rebolusyonaryong Pamahalaan ng Tejeros noong 1997 at siya ang piniling pangulo. Sumunod na binuo ang Republika ng Biak-Na-Bato sa taong ding iyon at siya rin ang tinanghal na pangulo. Noong ika-12 ng Hunyo, 1898, kanyang idineklara ang kalayaan ng Pilipinas at nananatili siyang pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan. Nang sumiklab ang digmaang Pilipinas at Amerika (Philippine-American War), pinangunahan niya ang hukbong Pilipino.

Sunod-sunod ang pagkatalo ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano kaya napilitang tumakas si Pangulong Aguinaldo patungong hilagang Luzon. Noong ika-13 ng Marso, 1901, siya ay nadakip sa bayan ng Palanan, lalawigan ng Isabela. Pagkatapos ng ilang buwan, siya ay nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos.

Sa eleksyon noong 1935, Si Aguinaldo ay tumakbo sa pagkapangulo pero siya ay tinalo ni Manuel L. Quezon.

Pumanaw si Pangulong Aguinaldo noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94. Sakit sa puso (coronary thrombosis) ang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Basahin: Talambuhay Ni Isko Moreno

Tingnan: Listahan ng mga Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

Tingnan: Mga Kilalang Taong mula sa lalawigan ng Kabite

Emilio Aguinaldo
Emilio Aguinaldo (Credit: Wiki Photo)

2 comments

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.