Quirino Province History (Tagalog)

Ang lalawigan ng Quirino ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng isla ng Luzon sa bansang Pilipinas. Ito ay may lawak na 2,323.47 kilometrong parisukat at umabot sa 188,991 ang bilang ng mga taong nakatira doon ayon sa census na ginawa noong 2015. Ang kabisera ng lalawigan ay ang bayan ng Cabarroguis at ang kasalukuyang gobernador ay si Dakila Carlo E. Cua. Nahahati ang lalawigan sa 6 na bayan.

Hango ang pangalan ng lalawigan sa pang-limang pangulo ng bansa na si Elpidio Quirino.

Ang territoryo ng lalawigan ng Quirino ay dating bahagi ng Katimugan ng Isabela at timog-silangan ng Nueva Vizcaya. Noong ika-18 ng Hunyo taong 1966, naitatag ang tinatawag na “Sub-Province” ng Quirino na binubuo ng apat na bayan na kasama ang Diffun, Saguday, Aglipay, at Maddela. Noong taong 1969, nabuo ang bayan ng Cabarroguis. Noong ika-25 ng Pebrero taong 1983, naitatag ang bayan ng Nagtipunan sa bisa ng Batas Pambansa bilang 345.

Ginawang ganap na lalawigan ang Quirino noong ika-10 ng Septembre taong 1971 sa bisa ng Republic Act No. 6394.

Si Jose B. Aquino ang kauna-unahang governador na noon ang tawag ay “lieutenant governor”. Si Dionisio Sarandi naman ang unang nahalal na gobernador noong 1971.

Basahin: Quirino Province History and Economy in English

Basahin: Mga Kilalang Tao na Galing sa lalawigan ng Quirino

Quirino Province History in Tagalog
Quirino Province History in Tagalog

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.