Ang Panginoon Ang Aking Pastol Lyrics and Video

Ang Panginoon Ang Aking Pastol Lyrics by Noel Cabangon

Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos

Handog Niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko’y payapang batisan
Hatid sa kaluluwa ay kaginhawaan
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay

Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos

Madilim na lambak man ang tatahakin ko
Wala akong sindak, Siya’y kasama ko
Ang hawak Niyang tungkod ang siyang gabay ko
Tangan Niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko

Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos

Inihahanda Niya sa akin ang ‘sang dulang
Piging sa harapan ng aking kaaway
Kasiyahan Niyang ulo ko’y langisan
Saro ko’y punuin hanggang sa umapaw

Ang Panginoon (Panginoon ko) ang aking Pastol (ang aking Pastol)
Pinagiginhawa akong lubos (ang ginhawa kong lubos)

Kagandahang loob, pawang kabutihan
Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay
Doon sa tahanan ng Poong Maykapal
Nais kong manahan magpakailanman

Ang Panginoon ang aking Pastol
Pinagiginhawa akong lubos

Ang Panginoon Ang Aking Pastol video by Musika

See also: List of Tagalog Christian Songs

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.