Talambuhay ni Cardinal Jose Advincula

Jose Advincula ay isang Pilipinong cardinal na naglilingkod bilang ika-33 arsobispo sa Arkodioceso (arkidiyosesis) ng Maynila. Siya ay dating arsobispo ng Capiz.

Cardinal Jose Advincula
Cardinal Jose Advincula

Mahahalagang Impormasyon
Buong Pangalan –> José Fuerte Advíncula Jr.
Petsa ng Kapanganakan –> March 30, 1952 (Edad: 69)
Lugar ng Kapanganakan –> Dumulag, Capiz, Pilipinas

Pamilya
Tatay –> José Firmalino Advíncula
Nanay –> Carmen Falsis Fuerte
Mga Kapatid –>

Pag-aaral
Elementarya –>
Mataas na Paaralan –> Saint Pius X Seminary High School in Roxas City
Kolehiyo –> Saint Pius X Seminary
Kurso –> Pilosopiya
Kolehiyo –> Universidad ng Santo Tomas (UST)
Kurso –> Teyohiya, Canon Law (Batas ng Kanon)
Kolehiyo –> De La Salle University
Kurso –> Sikolohiya (Psychology)
Kolehiyo –> Angelicum (Roma, Italya)
Kurso –> Canon Law ((Batas ng Kanon))

Paglilingkod sa Simbahan
Si Jose Advincula ay itinalaga sa kaparian (ordined to priesthood) noong ika-14 ng Abril taong 1976. Nagtrabaho siya bilang spiritual director sa St. Pius X Seminary at naging Propesor at “Dean of Studies”. Siya rin ay nagtrabaho bilang propesor sa seminaryo ng Nueva Segovia sa Lungsod ng Vigan, sa lalawigan ng Ilocos Sur. Pagkatapos, siya ay inilipat sa seminaryo ng Jaro sa Lungsod ng Iloilo.

Noong 1995, bumalik siya sa seminaryo ng St. Pious X sa Lungsod ng Roxas upang manungkulan bilang Rector nito. Marami pang ibinigay na tungkulin sa kanya bago siya maglingkod bilang Parish Priest ng Simbahan ng Santo Tomás de Villanueva sa bayan ng Dao sa Capiz.

Noong ika-25 ng Hulyo taong 2001, hinirang siya ni Pope John Paul II bilang Obispo ng San Carlos sa Negros Occidental.

Noong ika-9 ng Nobyembre, 2011, siya ay itinalaga na Arsobispo ng Capiz ni Pope Benedict XVI.

Noong ika-28 ng Nobyembre, 2020, si Jose Advincula ay itinalaga bilang isang Cardinal ni Pope Francis.

Noong ika-25 ng Marso taong 2021, hinirang siya ni Pope Francis bilang Arsobispo ng Maynila at papalit kay Luis Antonio Tagle na itinalaga bilang Prefect sa Congregation for the Evangelization of Peoples sa Roma.

Ika-24 ng Hunyo, taong 2021, umpisa ng kanyang panunungkulan bilang arsobispo ng Maynila.

Basahin din: Talambuhay ni Emilio Aguinaldo

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.