Puerto Princesa City History (Tagalog)

Paunang Bahagi
Ang lungsod ng Puerto Princesa ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng Palawan, isang lalawigang pulo sa bansang Pilipinas. Ito ay may lawak na 2,381.02 kilometrong parisukat at may 255,116 katao ang naninirahan doon ayon sa census noong 2015. Si Lucilo R. Bayron ang kasalukuyang alkalde (mayor) at si Maria Nancy M. Socrates naman ang bise-alkalde. Nahahati ang lungsod sa animnaput-anim (66) barangay.

Ang Puerto Princesa ay hango sa pangalan ni Princesa Asuncion na anak ni Isabella II ng Espanya. Kung kaya naman, dati ang lungsod ay tinawag na Puerto (port) Asuncion o kaya ay Port Princess Asuncion. Hindi nagtagal, iniksihan at naging Puerto Princesa.

Panahon ng mga Kastila
Noong ika-4 ng Marso taong 1872 dumating ng mga Kastila na kasama si Padre Antonio Muro na nagtayo ng simbahan sa kinaroroonan ng katedral ngayon. Gumawa din sila ng isang daungan na tinawag nilang Puerto Asuncion. Ito ay naging mahalagang daungan ng mga barkong pandigma ng hukbong pandagat ng Kastila sa Pilipinas.

Panahon ng mga Amerikano
Sa taong 1911 ginawang kabisera ng lalawigan ng Palawan ang Puerto Princesa.

Pangalawang Digmaang Pandaigdig (World War II)
Noong ika-18 ng Mayo, 1942, dumating ang mga sundalong Hapon at sinakop nila ang Puerto Princesa nang walang matinding laban sapagkat lumikas na ang tao at kakaunti lang ang mga sundalong Pilipino at Amerikano. Subalit noong panahon ng “liberation” o pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas, may naganap na tinatawag na “Palawan Massacre”
kung saan maraming pinatay na sundalong Pilipino at Amerikano sa kamay ng mga Hapones. Ito ay nangyari noong ika-14 ng Disyembre, 1944.

Kasalukuyang Panahon
Noong 1951, maraming mga baryo ang hiniwalay at naging kasama sa itinayong bayan ng Roxas sa bandang hilaga ng Puerto Princesa.

Noong ika-1 ng Enero, taong 1970, ginawang lungsod ang Puerto Princesa sa bisa ng Batas Republika bilang 5906 (Republic Act no. 5906) na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang Puerto Princesa ay ginawang “highly urbanized City” sa bisa ng Proclamation No. 1264 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Arroyo. Nagkaroon ng plebisito noong ika-21 ng Hulyo 2007 kung saan nanalo ang botong Oo (Yes Votes).

Basahin: Puerto Princesa History and Tourist Spots (English)

Mapa ng Puerto Princesa

Puerto Princesa City Hall
Puerto Princesa City Hall (Photo Credit: LGU FB)

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.