Tarlac Province History (Tagalog)

Pauna
Ang lalawigan ng Tarlac ay matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Luzon. Ito ay may lawak na 3,053.60 kilometrong parisukat at noong 2015, may 1,366,027 kataong nakatira dito. Ang Lungsod ng Tarlac ay siyang kabisera at si Susan A. Yap ang kasalukuyang gobernador. Nahahati sa isang lungsod at 17 na bayan ang probinsyang ito.

Ang Tarlac ay pinaniniwalaang hango sa salitang Aeta na “Malatarlac” na ang ibig sabihin ay maraming talahib.

Bago Dumating ang mga Kastila
Ang mga kabundukan sa bahaging kanluran ng Tarlac ay tinirhan ng mga Katutubong Aetas ng mahabang panahon bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila.

Panahong ng mga Kastila
Ang Tarlac ay naging bahagi ng Pangasinan at Pampanga. Noong 1874, naging kahuli-hulihang lalawigan ang Tarlac na binuo ng mga Kastilang namumuno sa bansa.

Panahon ng Himagsikan (Philippine Revolution)
Isa ang Tarlac sa tinatawag na walong lalawigang unang naghimagsik laban sa Espanya. Noong buwan ng Marso taong 1899, ginawang kabisera ng Pamahalaang Rebolusyonayo ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang Tarlac.

Panahon ng mg Amerikano
Sinakop ng mga Amerikano ang Tarlac sa mga huling buwan ng taong 1899. Naitayo nila ang pamahalaang sibil sa lalawigan noong 1901.

Pangalawang Digmaang Pandaigdigan (World War II)
Sa Camp O’Donnell sa bayan ng Capas ang naging hantungan ng tinatawag na Martsang Kamatayan o “Death March” ng mga Pilipino at Amerikanong kawal na nabihag sa Bataan pagkatapos sumuko sa mga Hapones noong ika-9 ng Abril, 1942.

Kasalukuyang Kaganapan
Naging tanyag sa buong bansa ang lalawigan ng Tarlac dahil sa pag-usbong ng pamilya Aquino. Pagkamatay ni dating senador at gobernador ng Tarlac na si Benigno Aquino Jr., naging pangulo ng bansa ang kanyang asawa na si Corazon Aquino noong 1986 at naging pangulo din ang kanyang anak na si Benigno Simeon Aquino III noong 2010.

Basahin: Tarlac Province History and Economy in English

Basahin: Mga Kilalang Tao ng Galing sa sa lalawigan ng Tarlac

Tarlac Province History Tagalog
Tarlac Province History (Tagalog)

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.