Awit ng Paghahangad Lyrics by Charlie Cenzon SJ
O D’yos, Ikaw ang laging hanap.
Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.
Ika’y pagmamasdan sa dakong banal,
nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.
Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa t’wina’y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Uma-awit akong buong galak.
Aking kaluluwa’y kumakapit sa ‘Yo.
Kaligtasa’y t’yak kong hawak Mo ako.
Magdiriwang ang Hari, ang D’yos S’yang dahilan,
ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan.
Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa t’wina’y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak,
Uma-awit akong buong galak.
KODA: Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.
Awit ng Paghahangad Video as uploaded by JesCom TV
RELATED: List of Christian Songs in Tagalog
