Manuel Luis Quezon Biography (Summary, Tagalog)

Maikling Talambuhay Ni Manuel Luis Quezon

Si Manuel Luis Quezon ang ikalawang pangulo ng Pilipinas at unang naging pangulo sa panahon ng Commonwealth ng Pilipinas na kung saan inihahanda ng Amerika ang pagbibigay ng kalayaan sa bansa. (May nagsasabi na si Miguel Malvar ang pangalawang pangulo ng bansa). Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Agusto, 1878 sa bayan ng Baler, lalawigan ng Tayabas (na ngayon ay lalawigan ng Quezon). Ang tatay niya ay si Lucio Quezon na tubong Maynila ang nanay niya ay si Maria Dolores Molina. Nagtapos siya ng kursong abogasya sa Universidad ng Santo Tomas (UST) at naging pang-apat sa BAR Examination noong 1903. Nag-umpisa siyang magtrabaho bilang piskal sa kanilang lugar at nahalal bilang gobernador. Noong 1907, tumakbo siya bilang mambabatas (assemblyman) at nanalo. Sa Philippine Assembly ay pinili siyang Majority Floor Leader.

MUla 1909 hanggang 1916, si Manuel Quezon ay nanungkulan bilang Resident Commissioner sa Washington, D.C. Isinulong niya ang kalayaan ng Pilipinas kaya naipasa ang Batas Jones (Jones Act) para sa autonomiya ng bansa. Sa halalan noong 1916, siya ay tumakbong senador, nanalo at naging pangulo ng senado (Senate President) hanggang sa taong 1935. Siya ang pangunahing tagapagsulong sa pagsasabatas ng Tydings–McDuffie Act (Philippine Independence Law) na napirmahan noong 1934.

Sa kauna-unahang halalang pambansa noong 1935, nanalo si Quezon bilang pangulo ng Philippine Commonwealth at kaniyang tinalo si Emilio Aguinaldo at si Gregorio Aglipay. Nanungkulan siya bilang pangulo hanggang siya ay mamatay noong 1944 sa New York, USA dahil sa sakit na Tuberkulosis.

Si Manuel Quezon ang naging asawa ni Aurora Antonia Aragon na kanyang first cousin. Ang mag-asawa ay nagkaroon ng apat na anak.

Ilan sa mga natatanging nagawa (achievement) ni Manuel Quezon bilang pangulo ay:
– “Filipinization” ng pamahalaan ng Pilipinas (Maraming Pilipino ang hinirang sa mahahalagang posisyon.)
– Reorganisasyon ng Pamahalaan (Maraming opisina ang itinayo, binuwag, at pinagkaisa)
– Repormang panlupa (Land Reform)
– Kaunlaran ng Ekonomiya (paggawa ng imprastraktura, pagtatayo ng mga pabrika, pagpapalago ng agrikultura)
– Pagsasa-ayos ng Edukasyon (educational Reform)
– Pagbibigay ng karapatang bumoto ang mga kababaihan (Women’s Suffrage)
– Pagtatayo ng Institute of National Language at pagdeklara ng Tagalog bilang pambansang wika
– Pagtanggap at pagtulong sa mga Jewish refugees na tumakas galing Europa.

Tingnan: Mga Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Pilipinas

Manuel Luis Quezon
Manuel Luis Quezon (Credit: Bain News Service)

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.