Nueva Ecija History (Tagalog)

Paunang Bahagi
Ang Nueva Ecija ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kabisera nito. May lawak na 5,751.33 kilometrong parisukat at sa census noong 2015, may 2,151,461 kataong naninirahan dito. Sa kasalukuyan, si Ginoong Aurelio Matias Umali ang gobernador mula pa noong 2007 kahit pinalitan siya ng kanyag asawang si Czarina “Cherry” D. Umali mula 2016 hanggang 2019.

Hango ang pangalan ng lalawigan sa isang pangalan ng isang lungsod sa Espanya na kung awagin ay Ecija. Ang Nuevo naman ay isang salitang Kastila na ang ibig sabihin ay “bago”.

Nueva Ecija History Tagalog
Nueva Ecija History (Tagalog)

Bago Dumating ang mga Kastila
Ang lugar ng Nueva Ecija ay matagal nang tinirhan ng mga Ilongot na kinikilalang mga katutubo ng lalawigan. Sila ay naniharan sa mga pampang ng mga ilog. Hindi nagtagal, dumayo at umira din dito ang mga Abaca and Bukid (Buquid).

Panahon ng mga Kastila
Ang mga misyonerong Augustinian ang unang dumating at nagtatag ng pamayanang Kristiano sa lugar ng Gapan noong 1595. Hindi nagtagal ay nagtatag din sila ng missionary outpost sa lugar ng Bongabon noong 1636. Noong ika-1 ng Setyember 1759, inilipat sa mga paring Franciskano ang pamamahala ng mga simbahan sa Nueva Ecija.

Ang Nueva Ecija ay dating isang comandancia militar.

Pormal na itinatag ang Nueva Ecija noong ika-25 ng Abril, 1801 bilang isang corregimiento na ang kabisera ay Baler. Si Maria de Aguilar ang gobernador-heneral na tumulong upang maisakatuparan ito. Nakapalawak ang sakop nitong teritoryo pero hindi nagtagal ay unti-unting lumiit ang teritoryo nito nang buuin ang lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya na noon ay sakop ang lalawigan ng Aurora, at Tayabas na ngayon ay Quezon.

Panahon ng Himagsikan (Philippine Revolution)

Isa ang Nueva Ecija sa mga naunang lalawigan na naghimagsik sa mga Espanyol at dahil dito, kabilang ang Nueva Ecija sa 8 sinag ng araw na makikita sa watawat ng Pilipinas.

Panahon ng mga Amerikano

Pangalawang Digmaang Pandaigdig (World War II)

Kasalukuyang Kaganapan

Basahin: Nueva Ecija History and Economy in English

Basahin: Mga Kilalang Tao na Galing sa lalawigan ng Nueva Ecija

2 comments

    • You can use google translate to your language of choice. There is an option on the side bar.

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.