La Union History (Tagalog)

Paunang Bahagi
Ang lalawigan ng La Union ay matatagpuan sa hilagang-kanluran ng isla ng Luzon, sa bansang Pilipinas. Nahahati sa 19 na bayan at isang lungsod ang La Union. Ang Kabisera nito ay ang Lungsod ng San Fernando. Sa kasalukuyan, ito ay pinamumunuan ni Gobernador Francisco Ortega III.

Panahon ng mga Kastila
Itinatag ng mga Kastila ang lugar ng La Union noong March 2, 1850 sa pangangasiwa ni Gobernador-Heneral Antonio Maria Blanco. Subalit noon lamang April 18, 1854, opisyal na kinilala ang lalawigan ng La Union na binuo buhat sa mga pinagsamang bayan ng Pangasinan, Ilocos Sur, at mga ilang teritoryo ng Benguet. Kaya tinawag na La Union dahil sa salitang Kastila na “UniĆ³n” na ang ibig sabihin ay pinagsama.

Si Kapitan Toribio Ruiz de la Escalera ang unang hinirang na Gobernador Militar-Politico ng lalawigan.

Panahon ng Himagsikan (Philippine Revolution) at Digmaang Pilipino-Amerikano
Pinangunahan nina Heneral Manuel Tinio ng Nueva Ecija at Heneral Mauro Mortiz ng Zambales ang pagpapalayas sa mga sundalong Kastila sa lugar ng La Union. Si Heneral Tinio rin ang nagsilbing pinuno ng mga kawal ng Pilipinas laban sa mga sundalong Amerikano na naghahabol kay Pangulong Emilio Aguinaldo.

Panahon ng mga Amerikano
Pagkatapos sakupin ng mga sundalong Amerikano ang La Union, itinalaga nila si Dr. Lucino Almeida na pamunuan ang lalawigan. Noong 1901, hinirang si Don Joaquin Joaquino Ortega bilang kauna-unahang gobernador sibilyan.

Pangalawang Digmaang Pandaigdig (World War II)
Ang pagsakop ng mga Hapon sa lalawigan ng La Union ay napakabilis. Pinakahuling sumuko ang bayan ng Naguilian.

Kasalukuyang Kaganapan
Pagkatapos ng digmaan, si Agaton Yaranon ang naging pansamantalang gobernador. Siya ay pinalitan agad ni Doroteo Aguila na nahalal noong 1948.

Mula noong taong 1988, nanggaling sa Pamilya Ortega ang naging gobernador ng lalawigan at maging sa ibang posisyong politikal ay nakuha ng kanilang kamag-anak.

Basahin: La Union History and Economy in English

Basahin: Magagandang Tanawin sa La Union

Basahin: Mga Kilalang Tao na Galing sa La Union

La union History Tagalog
Ang lalawigan ng La Union

3 comments

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.