Paghahandog Ng Sarili Lyrics by Tim Ofrasio SJ and Eddie Hontiveros SJ
Kunin Mo, oh Diyos, at tanggapin Mo
Ang aking kalayaan, ang aking kalooban
Ang isip at gunita ko.
Lahat ng hawak ko
Lahat ng loob ko
Lahat ay aking alay sa ‘Yo
Mula sa iyo ang lahat ng ito
Muli kong handog sa ‘Yo,
Patnubayan Mo’t
Paghariang lahat ayon sa kalooban Mo
Mag-utos Ka, Panginoon ko
Dagling tatalima ako
Ipagkaloob Mo lamang ang pag-ibig Mo
At lahat ay tatalikdan ko
Paghahandog Ng Sarili Video as uploaded by JesCom TV
RELATED: List of Christian Songs in Tagalog
