Paano sumikat si Pokwang bilang artista?

Si Marietta Subong na mas kilala sa palayaw na Pokwang ay isang Pilipinong komedyante, artista, mang-aawit at modelo.

Pokwang
Pokwang (Salamat sa ABS-CBN sa larawang ito)

Mahahalagang Impormasyon
Buong Pangalan –> Marietta Subong–O’Brian
Palayaw –> Pokwang
Petsa ng Kapanganakan –> Agosto 27, 1970 (Edad: 50)
Lugar ng Kapanganakan –> Lungsod ng Iloilo, Bansang Pilipinas

Asawa –> Lee O’Brian (Amerikano)
Anak –> Ria Mae, Malia Francine O’Brian

Pamilya at kabataan
Si Pokwang ay galing sa isang mahirap na pamilya sa lalawigan ng Iloilo sa bandang Bisaya. Ang kanyang tatay ay isang lasenggo at madalas walang trabaho. Ang kanyang masikap na nanay ang bumuhay sa kanya at ang kanyang 11 kapatid.

Pag-aartista

Bago mag-artista si Pokwang, siya ay naging mananayaw sa Japan. Dahil sa kanyang pagbubuntis sa asawang Hapones ay napilitan siyang umuwi sa Pilipinas. Hindi nagtagal, siya ay nangibang-bansa muli pero sa Gitnang Silangan (Middle East) naman napadpad. Pagbalik niya sa Pilipinas, siya ay nagtrabaho bilang komedyante sa isang bahay-inuman (bar) sa lungsod ng Quezon. Dito niya nakilala si Eric Nicolas na nagyaya sa kanya upang mag-artista sa ABS-CBN.

Sa taong 2004, sumabak si Pokwang sa “Clown in a Million”, isang paligsahang pangtelebisyon ng ABS-CBN kung saan siya ang tinanghal na kampeon. Mula noon, siya ay nananatiling talento ng naturang istasyon hanggang sa taong 2021 nang siya ay lumipat sa GMA.

Si Pokwang ay nagtamo ng iba’t ibang parangal katulad ng Best Comedy Actress award na iginawad ng Philippine Movie Press Club dahil sa kanyang pagganap bilang Etang Sukimura sa programang Aalog-Alog. Noong 2014, naibigay sa kanya ang premyong Bert Marcelo Lifetime Achievement Award ng GMMSF Box-Office Entertainment Awards bilang pagkilala sa kanyang husay sa pag-arte.

Sa kasalukuyan, si Pokwang ay lumabas bilang artista sa mahigit kumulang na tatlumpung sine (30 films) at limampung programa sa telebisyon (50 TV Programs).

Pawis, talino, sikap, at tiyaga ang tanging puhunan ni Pokwang upang marating ang kanyang kinaroroonan ngayon bilang isang tanyag na komedyante at artista.

Tingnan: Talambuhay nina: Bianca Umali, Maris Racal, Anne Curtis

Silipin: Listahan ng mga Pilipinang Artista

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.