Paunang Bahagi
Ang lungsod ng Santo Tomas ay matatagpuan sa lalawigan ng Batangas, isang lalawigan sa rehiyon ng Timog Katagalugan sa bansang Pilipinas. (Tingnan ang mapa sa ibaba) Ito ay may lawak na 95.41 kilometrong parisukat at may 179,844 katao ang naninirahan doon ayon sa census noong 2015. Si Arth Jhun A. Marasigan ang kasalukuyang alkalde (mayor) at si Catherine “Cathy” J. Perez naman ang bise-alkalde. Nahahati ang lungsod sa tatlumpung barangay.
Noong ika-7 Marso 1666 itinatag ang Santo Tomas at si Kapitan Manuel Melo ang unang pinuno.
Ang Santo Tomas ay ginawang lungsod noong ika-7 ng Setyembre 2019 sa bisa ng Batas Republika bilang (Republic Act no.) 11086. Ang batas na ito ay isinulong ni dating Congressman Nelson Collantes.
Mapa ng Santo Tomas
Basahin: History and Tourist Spots (English)
