Ferdinand Marcos Sr. Biography (Summary, Tagalog)

Mikling Talambuhay Ni Ferdinand Marcos Sr.

Si Ferdinand E. Marcos Sr. ay ipinanganak noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang mga magulang na sina Mariano Marcos and Josefa Edralin ay parehong mga guro. Nag-aral siya sa Sarrat Central School at Shamrock Elementary School sa Laoag ngunit tinapos niya ang elementarya sa Ermita Elementary School sa Maynila. Pumasok siya sa Universidad ng Philippines para sa kanyang Mataas na Paaralan at sa kursong liberal.

Habang si Ferdinand Marcos Sr. ay nag-aaral, naging ROTC battalion commander siya. Pagkatapos nito, siya ay hinirang bilang “third lieutenant (apprentice officer)” sa Philippine Constabulary Reserve.

Taong 1935, pinatay si Assemblyman Julio Nalundasan na kalaban sa pulitika ng kanyang pamilya. Pinagsuspetsahan si Ferdinand Marcos. Siya ay inaresto, ibinilanggo at hinatulang guilty noong 1939. Umapela siya sa Kataas-taasang Hukuman at siya ay pinalaya.

Habang nakakulong si Marcos ay patuloy ang kanyang pag-aaral. Nag-graduate siya bilang Cum Laude sa U.P. College of Law noong 1939. Ipinasa niya ang Bar bilang topnotcher noong buwan ng Nobyembre, sa taong din iyon.

Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdigan. Si Marcos ay naglingkod bilang opisyal ng Hukbong Sandatahang Pilipinas o Armed Forces of the Philippines.

Inihalal si Marcos bilang senador pagkatapos ng tatlong termino bilang congressman na kinatawan ng Ilocos Norte. Siya ay pinili bilang Minority Floor Leader bago naging pangulo ng senado (senate president).

Si Marcos ay inihalal bilang pangulo ng Pilipinas sa taong 1965 at siya ay nahalal muli noong 1969. Idineklara niya ang Batas Militar (Martial Law) noong Setyembre 21, 1972 at nanatili siyang pangulo hanggang siya ay mapatalsik noong 1986 sa tinatawag na People Power Revolution o Edsa Revolution.

Nabuhay si Marcos sa Hawaii bilang “exile” hanggang siya ay mamatay sa sakit sa bato, puso, at baga noong Setyembre 28, 1989. Naiwan ang kanyang asawang si Imelda Romualdez Marcos at mga anak na sina Maria Imelda Josefa Trinidad (Imee), Ferdinand Jr. (Bongbong), and Irene Victoria.

Basahin Talambuhay ni Ferdiand Maros sa Ingles dito.

Ferdinand Marcos Sr.
Ferdinand Marcos Sr. (Credit: wiki)

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.