Isko Moreno Biography (Tagalog)

Maikling Talambuhay Ni Isko Moreno (Brief Biography of Isko Moreno)

Isko Moreno
Isko Moreno (Credit: Facebook Page)

Si Isko Moreno na ang tunay na pangalan ay Francisco Domagoso ay ipinanganak sa Tondo, Maynila noong October 24, 1974. Ang kanyang mga magulang ay sina Joaquin Domagoso na tubong Maynila at Rosario Moreno na tubong Hilagang Samar. Ang kanyang ama ay isang manggagawa sa North Harbor (daungan ng mga barko sa Maynila) at ang kanyang ina naman ay isang maybahay na paminsan-minsan ay nagiging labandera o nagtitinda ng mga pagkain sa lansangan upang makatulong sa kangyang asawa sa mga gastusin sa bahay. Sa madaling salita ay mahirap lamang ang kanyang pamilya.

Kabataan
Bata pa si Isko ay natuto na siyang magbanat ng buto. Dahil sa kahirapan, siya ay naglako o nagtinda ng kung anu-ano, tulad ng mga bakal, bote at lumang diyaryo. Kung minsan siya din ay nanghingi ng pagkain sa kapitbahay at nag-uwi ng mga tira-tirang pagkain buhat sa mga kainan or restaurant.

Edukasyon
Si Isko ay nag-aral ng elementarya sa Rosauro Almario Elementary School at nagtapos siya ng high school sa Tondo High School. Nag-aral siya ng Marine Engineering sa Philippine Maritime Institute (PMI) ngunit hindi niya natapos dahil sa pag-aartista. Subalit noong konsehal na siya, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad ng Pilipinas (UP) at natapos niya ang maikling kurso na kung tawagin ay Local Legislation and Finance. Kumuha din siya ng kursong pang-abogado (Bachelor of Laws) sa Arellano University ngunit hindi pa niya ito natatapos.

Si Isko ay may training sa Executive Education Program na ibinigay ng John F. Kennedy School of Government ng Harvard University sa Estados Unidos (United States).

Pag-Aartista
Noong taong 1993 at sa edad na 19, si Isko ay dumalo sa isang burol. Doon ay namataan siya ng isang talent agent na ang pangalan ay si Wawie Roxas na nagkumbinsi sa kanyang pasukain ang larangan ng Showbiz. Pumayag siya at si Wawie din ang tumayong maniger niya. Ipinakilala siya kay German Morena, isang tanyag na host sa telebisyon at nag-aartista rin. Isinama siya sa programang That’s Entertainment na noon ay isang patok na patok na programang pangkabataan. Doon nag-umpisang makilala ang kanyang pangalang pang-showbiz (screen name) na Isko Moreno.

Ilan sa mga sine kung saan kasama si Isko sa mga gumanap (actors) ay ang May Minamahal (1993), Muntik na Kitang Minahal (na pinagbidahan ni Claudine Barretto) (1994), Siya’y Nagdadalaga (1997), Mga Babae sa Isla Azul (1998), at Misteryosa (1999).

Politika
Unang sumabak si Isko sa politika noong 1998 nang siya ay mahalal bilang konsehal sa Lungsod ng Maynila. Siya’y nahalal muli sa parehong posisyon noong 2001 at noong 2004. Ibig sabihin natapos niya ang tatlong termino na naaayon sa batas. Sa taong 2007, siya ay nahalal na bise mayor at tulad sa kanyang pagkakonsehal, siya ay nanungkulan bilang bise hanggang 2016 (anim na taon). Sinubukan niyang tumakbo bilang senator noong 2016 sumalit hindi siya pinagpalang manalo.

Noong 2017, si Isko ay hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging Chairman of the Board ng North Luzon Railways (NorthRail), ang kumpanyang pagmaymay-ari ng pamahalaan na nangangasiwa sa pagpapatayo ng tren mula Maynila hanggang Capas, Tarlac. Pagkalipas ng isnag taon, siya naman ay itinalaga na Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Noong halalan sa taong 2019, si Isko ay tumakbo at nanalong mayor kasama ang kanyang kandidato sa pagkabise mayor na si Honey Lacuna.

Pamilya
Napangasawa ni Isko si Diana Lynn Ditan at silang dalawa ay biniyayaan ng limang (5) anak na sina Vincent Patrick (ipinanganak noong 1998), Frances Diane (2000), Joaquín André (2001), Franco Dylan (2006), at si Drake Marcus (2012). Si Joaquin Domagoso ay kasalukuyang sumusunod sa yapak ng kanyang ama sa pag-aartista at ang kanyang ang maniger ay si Wawie Roxas din.

Basahin: Talambuhay Ni Isko Moreno (English)

Tingnan: Listahan ng mga Alkalde ng mga Lungsod sa Pilipinas

Tingnan: Listahan ng mga Artistang Lalaki sa Pilipinas

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.