Balatkayo Lyrics, Video by Anthony Castelo

Balatkayo Lyrics by Anthony Castelo

I
Balatkayo lahat ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang bulaklak ang s’yang katulad mo
Ngunit paglapit ko’y walang bango

Koro
Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O, kay sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko

II
Balatkayo lahat ang buhay sa mundo
Nakangiti kahit hindi totoo
Magandang pangarap ang s’yang katulad mo
Ngunit sa isip lang lahat ng ito

Ulitin Koro

III
Kaya ang buhay ko ngayo’y balatkayo
Balatkayo pala ang pag-ibig mo
Na natubog lang sa ginto
O, kay sakit naman
Nasayang lang ang pag-ibig ko

Kaya ang buhay ko ngayo’y balatkayo
Kaya ang buhay ko ngayo’y balatkayo…

Balatkayo Music Video by Anthony Castelo

RELATED: Anthony Castelo Song List and Albums

See also: List of Filipino Singers

Any comment?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.